LOOK. Very Huge Fish Caught in Palawan - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Thursday, March 2, 2017

LOOK. Very Huge Fish Caught in Palawan


 Isang dambuhalang lapu-lapu ang aksidenteng nalambat sa laot ng Puerto Princesa City. Larawan mula kay John Martinez
image

PUERTO PRINCESA CITY - Pinagkaguluhan ng ilang residente ng Brgy. Manalo, Puerto Princesa City sa Palawan ang isang malaking isda na aksidente umanong nalambat ng isang mangingisda nitong February 27.

Nang timbangin, umabot umano ng 130 kilo ang lapu-lapu o "kugtong" kung tawagin ng ilang residente.
image

Kwento ni Nelbeth Valencia, asawa ng nakahuling mangingisda, nasa laot ang kanyang mister para manghuli ng alimasag, at nagulat na lamang ang lalaki nang may malaking isda ang sumabit sa lambat.

Noong una ay inakalang pagi ang nalambat. Pagdating sa kanilang lugar, kinailangan ng apat na tao para mabuhat ang isda at mailipat patungo sa pampang.

Makikita sa mga larawang kuha ni John Martinez na sinlapad ng bangka ang nahuling dambuhalang isda.
image

Para sa pamilya Valencia, biyaya para sa kanila ang napakalaking lapu-lapu.

Agad nila itong dinala sa Poblacion ng Puerto Princesa para ibenta.

Ayon naman sa Palawan Council for Sustainable Development, posible umanong lapung baboy (brown marble grouper) ang nahuling lapu-lapu.

Karaniwan na lumalaki ito ng 1 hanggang 2.5 metro.
image

Kabilang din ito sa "economically important species." Nakasaad naman sa PCSD Administrative Order No. 5, na pinapayagaan lamang na manghuli ng grouper na plate-size o may habang 32 centimeters hanggang 47.5 centimeters bilang size catch limit.


[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad