PBB Big Winner Maymay Na-shock Sa Mga Pinagsasabi Ni Koko Pimentel - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Saturday, March 11, 2017

PBB Big Winner Maymay Na-shock Sa Mga Pinagsasabi Ni Koko Pimentel


TILA hiyang-hiya naman si PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa mga papuri sa kanya ng kababayang si Sen. Koko Pimentel.

Parehong tubong-Cagayan de Oro rin ang senador kaya proud na proud ito kay Maymay. Pagde-describe ni Sen. Koko sa bagong PBB Big Winner, “A role model who will serve as a source of pride and inspiration for our young people aspiring to enter the world of entertainment.”

Sa panayam naman ng ABS-CBN sa dalaga, sinabi nitong, “Napakalaking honor po iyan. Hala si Sir (Koko) pa talaga, speechless ako ngayon.”

Hirit pa ni Maymay, “Masayang-masaya at talagang sobrang mas nakaka-proud pa. Binigyan pa niya ako ng purpose po.

Binigyan pa niya ako ng way para pagbutihan at maging inspirasyon pa sa mga kabataan. Grabe! Maraming salamat po!”

[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad