Petition ni De Lima Hindi Binigyan Pansin at Ibinasura ng SC - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Thursday, March 9, 2017

Petition ni De Lima Hindi Binigyan Pansin at Ibinasura ng SC


Binanatan ngayon ng Office of the Solicitor General si Sen. Leila de Lima sa isinumite nitong komento kaugnay ng petisyon ng senadora na humihingi ng saklolo sa Supreme Court (SC) matapos siyang maaresto dahil sa kaso ng iligal na droga.

Ayon sa OSG, napaka-ironic ang ginawang hakbang ng Senadora na magpasaklolo sa Korte Suprema dahil minsan na rin niya itong sinuway.

Ito ay nang hindi niya kinilala ang temporary restraining order (TRO) na inisyu ng hukuman na pumigil sa pagpapatupad ng watchlist order na ipinalabas ng Department of Justice (DoJ) laban sa dating Pangulong Gloria Arroyo na bibiyahe sana noon sa labas ng bansa para magpagamot.

Dahil dito, iginiit ngayon ng OSG na hindi dapat bigyan ng special treatment si De Lima na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Hiniling din ng OSG na ibasura ng SC ang petisyon ni De Lima dahil siya raw ay guilty sa forum shopping.

Paliwanag ng OSG, pare-pareho lamang kasi ang inilahad sa petisyon ng senadora sa Korte Suprema sa mga argumento na kanyang iprinisinta sa kanyang motion to quash sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ipinunto rin ng OSG na may hurisdiksiyon ang DoJ na magsagawa ng preliminary investigation sa kaso ni De Lima.

Bukod sa Section 90 ng RA 9165, tinukoy pa ng OSG ang Section 44 ng RA 296 o Judiciary Act of 1948 at Section 39 ng RA 6425 o Dangerous Drugs Act of 1972 na pare-parehong nagsasaad na ang mga mabababang hukuman ang may orihinal na hurisdiksiyon sa mga kaso ng droga. [Read full]

[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad