KAWAWA NAMAN! Bunso at dalawa pang anak pinatay sa sakal ng Ina - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Sunday, March 5, 2017

KAWAWA NAMAN! Bunso at dalawa pang anak pinatay sa sakal ng Ina



Pinatay sa sakal ng isang ina ang kanyang tatlong (3) anak sa Barangay Caliguian, Burgos, Isabela noong Miyerkules ng gabi.


Ayon kay Burgos PNP Chief Police Senior Randy Cabaddu, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Marilyn Foronda, tatlumpu’t limang (35) taong gulang, matapos na madiskubre ang bangkay ng kanyang tatlong anak kabilang ang tatlong buwang sanggol.

Kinilala ang mga nasawi na sina Adam Mc Wane, 3 taong gulang, Stephen Dane, 2 taong gulang at ang bunsong si Shansa Sara.

Napatakbo naman ang panganay na si Nisha, 7 taong gulang matapos niyang makitang sinasakal ng ina ang kanyang mga kapatid habang natutulog ang mga ito.


Nabatid naman na nasa abroad ang mister ng suspek na isang seaman tatlong buwan pa lamang ang nakalipas.

Hinala ng ilang kaanak na tinamaan ng post-partum depression ang biktima dahil napansin nilang lagi na itong malungkot at mapag-isa matapos na makapanganak. [Source: DWIZ]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad