LOOK: Misis naaktuhan ni mister; kalaguyo, nasaksak - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Sunday, March 5, 2017

LOOK: Misis naaktuhan ni mister; kalaguyo, nasaksak




Nagmistulang eksena sa teleseryeng "Ika-6 na Utos" ang pagkakabuking ng isang misis na nakikipaghalikan sa kanyang kalaguyo, naaktuhan mismo ng kanyang mister ang pangyayari kaya pinagsasaksak nito ang lalaki.
Nangyari ang insidente sa Barangay Estancia sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima ng pananaksak na si Romeo Bogaoisan, 52-anyos, at ang suspek ay kinilalang si Fernando Ramirez, 48, na agad namang nadakip ng mga awtoridad.
Kwento ng suspek , matagal na raw siyang naghinala na may kalaguyo ang kanyang misis at noong Miyerkules ng gabi, napansin niyang text ng text ang kanyang misis at hindi mapakali.
Nagkunwari umano siyang nakatulog at dahan-dahan namang lumabas ang kanyang misis at nagpunta sa bukid.
Sinundan niya ito at dito naaktuhang may kausap na lalaki. At nang lapitan niya ang dalawa, naaktuhan niyang nakikipaghalikan si misis sa kanilang kapit-bahay na lalaki.
Hindi niya napigilan ang sarili at pinagsasaksak niya ang kalaguyo ng misis, pero nanlaban ito at hindi niya napuruhan.
Ayon sa mister, mapapatawad pa rin niya ang kanyang misis sa kabila ng kanyang pangangaliwa. 
Nakatakdang kasuhan nitong Huwebes si Fernando.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad