PANOORIN: SPO3 Lascañas, nagrenta ng condo sa Singapore kasama ang pamilya - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Sunday, March 5, 2017

PANOORIN: SPO3 Lascañas, nagrenta ng condo sa Singapore kasama ang pamilya









Lumipad papuntang Singapore ang self-confessed Davao Death Squad hitman na si retired SPO3 Arthur Lascañas nitong 8 ng Abril, at ayon sa balita ay nauna na raw ang kanyang pamilya doon.

Sa programang Punto Asintado, kwinestiyon ng batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo kung bakit wala umanong humarang kay Lascañas, at ang nakakapagtaka pa raw ay nagrenta ito ng mamahaling condominium sa tahimik na lugar. 

Sa resulta ng PropertyGuru.sg, ang 2 bedroom condominium ay nagkakahalaga ng mahigit $2,000 – $6000 sa isang buwan o tumataginting na 80,000-240,000 piso.

Naniniwala si Tulfo na merong nagpondo kay Lascañas para manirahan ito pansamantala sa ibang bansa, gayong 20,000 piso lamang ang nakukuha nitong pensyon kada-buwan.

Ayon sa balita, umalis ng bansa si Lascañas dahil marami raw itong natatanggap na impormasyon na sasampahan siya ng mga kaso at marami rin daw ang naghahanap sa kanya, kayat minabuti na lamang nitong lumisan pansamantala.

Samantala, maraming mga netizens at ilang opisyal ng gobyerno ang nagulat at nagtataka kung bakit tahimik itong umalis ng bansa.

Watch Video Below


[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad