JUST IN: Duterte Inimbitahan Ang Mga Maoist At Separatist Na Handang Lumaban sa Maute - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Tuesday, May 30, 2017

JUST IN: Duterte Inimbitahan Ang Mga Maoist At Separatist Na Handang Lumaban sa Maute


Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim separatists at Maoist-led rebels na samahan nila ang gobyerno para labanan ang mga Maute groups sa Marawi City.

Nag-alok pa ang pangulo ng bayad at pabahay sa mga interesadong sumama sa gobyerno na mga miyembro ng nabanggit ng grupo.

Ang nasabing alok ay kahalintulad din na inialay sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ,Moro National Liberation Front (MNLF) at New People’s Army na iwan ang paglaban sa gobyerno at makianib sa kanila para malabanan ang mga Maute group.

Handa rin ang pangulo para bumuo ng bagong army division para sa mga Muslim at Maoist rebels dahil kabisado nila ang mga local terrain sa Mindanao region.

Magugunitang base sa talaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aabot na sa 42 mga Maute group ang napapatay mula noong sinimulan ang pag-aatake sa Marawi City.

WATCH THIS VIDEO BELOW

[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad