Robin Padilla slams Duterte critics VS Martial Law - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Monday, May 29, 2017

Robin Padilla slams Duterte critics VS Martial Law

Binanatan ng batikang aktor at kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Robin Padilla ang mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon dahil sa walang humpay na pamabatikos nito sa bawat ginagawang hakbang at desisyon ng Pangulo.

"Gusto ko lang pong sabihin sa mga taong walang magawa kundi manira, na sobrang ang gagaling na tao kung makapagsalita, parang may mga nagawa na sa bayan kung makapagsalita, may nagawa ba kayo? ani ni Robin na pigil na pigil pa sa kanyang pahayag dahil nagdiriwang ito ng Ramadan.

Hindi rin pinalampas ni Robin na banatan at kwestyunin ang mga dating miyembro ng nagdaang administrasyon na aniya wala namang naitulong sa bansa.

Samantala, pinabulaanan din ng aktor ang mga akusasyon sa kanya na nag-aaksaya raw ito ng pera ng gobyerno dahil sa pagsama nito kamakailan puntang Moscow, Russia. Paliwanag niya na personal na pamasahe ang kanyang ginamit at hindi buwis ng taong bayan.

"Kung sino man yung nagpapakalat na nag-aaksaya kami ng pera, gusto naming sabihin na pamasahe namin ito.. Hindi po kami gumamit ng tax ninyo pati yung ginagastos namin, pera namin yun kahit noong kampanya sapagkat ito ang malasakit at pagmamahal namin sa bayan," wika ni Robin.

Sa nagdaang eleksyon, isa si Robin sa naging aktibo at tumulong sa kampanya ng dating Mayor ng Davao at ngayo'y pangulo na ng Pilipinas, Duterte.

Watch video here:

[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad