BREAKING: 5kg Shabu Nahuli sa Bahay ng Vice Mayor sa Marawi - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Sunday, June 25, 2017

BREAKING: 5kg Shabu Nahuli sa Bahay ng Vice Mayor sa Marawi



MARAWI CITY - Sa gitna ng patuloy na bagkbakan sa siyudad, hindi bababa sa 5 kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa mga bahay ng bise alkalde ng lungsod at ng kapatid nitong dating mayor sa Barangay Cabingan Sabado.

"Nakuha (ang hinihinalang iligal na droga) sa mga bahay ni former Mayor Fajad Salic at incumbent Vice Mayor Arafat Salic," ani C/Insp. William Santos ng Drug Enforcement Group.

"Kilala pong drug lord 'yung pamilya nila sa Marawi. Kasama sila sa drug list na nilabas ng presidente natin," dagdag ni Santos.

Nauna nang naaresto si Fajad Salic noon Hunyo sa kasong rebelyon dahil sa umano's kaugnayan nito sa mga teroristang sumalakay sa Marawi City. Patuloy pa rin ang opensiba ng gobyerno laban sa mga terorista isang buwan mula mag-umpisa ang bakbakan.

"Abandoned na ang mga bahay... 'Yung bahay ay ginawang staging area ng Maute," dagdag ni Santos.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pinanggagalingan ng suplay ng droga sa Marawi City.

Nito lamang Biyernes, dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10 million ang nasabat ng mga awtoridad mula naman sa bahay ng dating alkalde ng Marawi na si Omar Solitario Ali.

Kabilang ang pangalan ni Ali sa listahang inilabas ng Department of National Defense ng mga taong may kinalaman umano sa krisis sa Marawi City at iba pang parte ng Mindanao.

[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad