Huli sa CCTV: Driver, tinangkang hampasin ang pasahero - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Wednesday, June 28, 2017

Huli sa CCTV: Driver, tinangkang hampasin ang pasahero


Inireklamo ng Bayan Patroller ang isang driver ng van na sinubukan siyang hampasin ng tubo dahil sa hindi pagkakaintindihan sa biyahe.

Sa CCTV video sa Imus, Cavite noong isang linggo, kitang umiilag si Bayan Patroller Jastine Carisma at kanyang kasama habang hinahabol ng driver bitbit ang isang tubo.

Ayon sa Patroller, nagalit ang driver nang inakalang bababa sila mula sa van dahil sa sobrang init ng sasakyan.

Natakot si Carisma lalo pa't may karga silang dalawang maliliit na bata. Dagdag pa niya, kolorum ang sinakyan niyang van.

Katuwiran ng driver, wala siyang balak manakit at tinakot lang niya ng tubo ang mga pasaherong nanigaw at nagmura umano sa kanya.

Dagdag naman ng Bayan Patroller, kolorum ang sinakyan niyang van.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), maaaring patawan ng multang P200,000 ang mga kolorum na van sa ilalim ng Joint Admin Circular 2014-01.

Ipatatawag din ng LTO ang driver ng van at pag-aaralan nila kung kakanselahin ang kanyang lisensya.

Samantala, nagkaayos din sina Carisma at driver ng van matapos magkaharap sa barangay.
 
Paalala naman ng LTO sa mga commuter, sa lehitimong public vehicles lang sumakay. source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad