Pres. Duterte, inamin na may pinsan na miyembro ng Maute na napatay sa Marawi - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Wednesday, June 28, 2017

Pres. Duterte, inamin na may pinsan na miyembro ng Maute na napatay sa Marawi


Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga dumalo sa post-Eid’l Fitr celebration sa Malacañang na mayroon siyang pinsan na sumabak din sa bakbakan sa Marawi City.

Gayunman, ibinunyag niyang lumaban ito bilang kasapi ng Maute Group, at napatay din sa bakbakan.

Ayon sa pangulo, tumungo dun ang mga pinsan niya sakay ng isang truck.

Sinubukan aniya niyang kumbinsehin ang mga ito na huwag nang sumabak sa bakbakan pero tumuloy pa rin aniya ang mga ito para lamang sa “adventure.”

Dagdag ng pangulo, hindi siya masaya na nagdurusa ngayon ang mga Maranao at hindi niya nakikitaan ng anumang satisfaction ang pagkapanalo sa gyera.

Ani pa Duterte, nais lang niyang matapos na ito at maalis na ang mga radicals sa mundo ng mga Muslim.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad