WATCH: Nahuli na ang gumahasa at pumatay sa buong pamilya sa Bulacan - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Friday, June 30, 2017

WATCH: Nahuli na ang gumahasa at pumatay sa buong pamilya sa Bulacan


Naaresto na ang suspek sa karumaldumal na pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte City sa Bulacan

Alas-6 kagabi nang arestuhin ng mga tauhan ng San Jose del Monte Bulacan-PNP ang suspek na si Carmelino Ibanez, 26 anyos, at isang construction worker na nakatira sa parehong subdibisyon ng limang mga biktima.

Sa isang press briefing, sinabi ni Central Luzon police director Chief Superintendent Aaron Aquino na umamin ang isang Carmelino Ibañez, 26, na sabog siya sa ipinagbabawal na droga nang pinasok niya ang bahay ng mga Dizon.

Aniya, kasabwat niya sina alyas "Tony" at "Inggo" sa pagpatay sa biktimang sina Estrella Carlos, kanyang ina na si Auring, at mga anak ni Estrella na edad 1, 7, at 11 sa loob ng kanilang bahay nitong Martes.

Dagdag niya na sa likod ng bahay siya dumaan kung saan nakita niya si Auring na natutulog. Aniya, kumuha siya ng kutsilyo sa kusina at agad na inundayan ng 32 saksak ang biktima.

Inamin din ni Ibañez na nag-inuman sila ng mga kasabwat at tumira ng shabu bago ang krimen.

Inamin ng suspek na patay na ang mga biktima nang halayin niya ang mga ito.

Samantala, pinagsasasaksak din ni Ibańez ang tatlong anak ng biktima na nasa ikalawang palapag ng bahay.

Ayon pa kay Ibanez, financier daw ang isang kasama niya at ang isa'y gumagawa ng motor.


VIDEO:



[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad