WATCH: May hangganan ang lahat :De Lima kay Pang. Duterte - Daily Buzz PH

LATEST

Post Top Ad

Saturday, July 1, 2017

WATCH: May hangganan ang lahat :De Lima kay Pang. Duterte


Punung-puno ng kasinungalingan ang naging unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto, ayon sa isa sa matitinding kritiko niyang si Sen. Leila de Lima

Sinabi ng nakakulong na senadora na naging masalimuot ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Duterte lalo na't maraming pangako ang hindi natupad.

“Isang taong mga kasinungalingan. Isang taong panggigipit. Isang taong pagmumura at pambabastos. Isang taong mga pangakong napako. Lalo na yung mga kasinungalingan. Fake cases. Lalo na itong mga paratang sa akin. Fake cases, fake news,” ayon ng Senadora

Nakakulong ngayon sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si de Lima dahil sa umano'y pakikipagsabwatan niya sa mga drug lord ng New Bilibid Prison.

Itinanggi ito ng senadora at sinabing siya ang kauna-unahang political prisoner ng administrasyon.

“May hangganan ang lahat, Ginoong Pangulo," sabi ni de Lima.


[source]

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad